With Alien Eyes

The Kyoto Writers Residency experience of Poet Paolo Tiausas

words by Paolo Tiausas

cover photo by Calin Stan

In the ten-minute walk from Tambabashi station going home to my temporary dormitory in Momoyama, a railway servicing the Keihan line cuts across the road I take. Each time, I find myself amused at how the barrier rises and falls, at how the recording of bells tolling bookends the whole affair. Every time I witness it, it only affirms a gut feeling. I’m the one who’s not normal here. 

I arrived in Kyoto at the close of September and the beginning of October to participate in the Kyoto Writers Residency 2024. We were ten writers chosen for the program that would last an entire month—I was the only one from Southeast Asia. So when we were asked at the residency’s opening forum about our reactions to the theme, “writing through alien materials,” I thought: am I not the alien here? Am I not the material itself? 

Sa sampung minutong lakad mula sa estasyong Tambabashi pauwi sa tinutuluyan kong dormitoryo sa bandang Momoyama, may linya ng Keihan na raragasa nang pahalang sa tinatawiran kong kalsada. Lagi akong natatameme sa laro ng pagbaba at pagtaas ng barrier nito, sa simula’t dulong hudyat na dala ng recorded na tunog ng kampana. Sa ganoong pag-uulit-ulit tumatak sa akin. Ako ang hindi karaniwan dito. 

Dumating ako sa Kyoto sa bandang tikom ng Setyembre at bukas ng Oktubre, upang lumahok sa Kyoto Writers Residency 2024. Sampu kaming manunulat na kabilang sa programa na tatagal ng isang buong buwan—ako lang ang tanging galing sa Timog-Silangang Asya. Kaya noong tinanong sa opening forum ng residency kung ano ang reaksiyon namin sa temang “writing through alien materials,” napaisip ako: hindi ba ako ang alien mismo? Hindi ba ako mismo ang materyal? 

Night beside the Kamogawa
Byodo-in Temple in Uji
Fushimi Otesuji Shopping Street
Goshuin from Byodo-in

Perhaps that’s both the magic and opportunity afforded by residencies and other programs dedicated for writers. By giving you actual time to write (usually something relegated to the dusty nooks and crannies of the everyday), you get to hone the way you think, without the blinders of your day-to-day responsibilities. By removing that burden, everything takes a new clarity: even the rising-and-falling of barriers becomes a thing of wonder. You feel more intimately the heat of the afternoon sun and the cold breeze when strolling beside the Kamogawa. And most importantly, you finally find the time to think—really think—and then complete that feeling of wonder with the sharpness of thought that one needs when writing. In short, you get to interrogate wonder. You get to scrutinize it with the lens of history, emotion, and time. When you’re afforded that time, you’ll really become a writer. 

I wasn’t spared from that sense of transformation during my stay in Kyoto, and my short visits to Nara, Osaka, Kobe, and Tokyo. While I was there, I kept matching what I found to be normal in Japan and what wasn’t normal about me being there. Pairing up these mundane alienations, the tension thickens, the questions form, the impetus to write ignites. I usually start with the simplest of all. How does it happen that someone like me—born in Pasig near the turn of the new millennium, in the country that’s been in and out of colonial rule for the past 400 years—end up in the historic city of Kyoto to, of all things, write poems in Tagalog? More than the coincidence, the contradictions are what get me. And on my part, that contradiction is the starting point of all good poems. 

Ganiyan nga siguro ang angking hiwaga’t oportunidad na dulot ng mga programang pangmanunulat tulad ng residency. Sa pagbibigay sa iyo ng oras na magsulat (isang gawain na madalas ay pinipilas lang sa saglit ng araw-araw), nagkakaroon ka ng pagtingin na hindi nalalambungan ng mga responsibilidad at tungkulin. Sa ganoong pagtanggal ng bigat, nabibigyan ng bagong linaw ang lahat: kahit ang barrier ng tren sa kalsada ay humihiram ng hiwaga. Mas nadadama mo ang init ng araw at lamig ng hangin sa tabi ng ilog Kamogawa. At higit sa lahat, nabibigyan ka ng oras na mag-isip—talagang mag-isip—at mabibihisan mo ang mga hiwagang iyon ng talas ng pagninilay na kailangan sa pagsusulat. Samakatuwid, makukuwestiyon mo ang hiwaga. Malalagay mo sa lente ng pagsusuri ng kasaysayan, damdamin, at panahon. Magiging manunulat ka talaga, kapag may oras ka. 

Ganyan na nga ang nangyari sa akin sa pamalalagi ko sa Kyoto, at sa mga saglit na pagtawid sa Nara, Osaka, Kobe, at Tokyo. Habang naroon ako, naiparis ko ang mga naobserbahang karaniwan sa Japan sa pagiging hindi ko karaniwan sa lugar na iyon. Sa pagtatambal ng mumunting mga alyenasyon, kumakapal ang tensiyon, nabubuo ang tanong, nagkakaroon ng impetus na magsulat. Sinisimulan ko sa pinakasimple. Paano kaya’t nakaabot ako—isang manunulat na laking Pasig sa bagong milenyo, na nanggaling sa bansang Pilipinas na ilang ulit nang sinakop at lumaya sa loob ng mahigit apat na dantaon—sa makasaysayang bansa ng Kyoto upang magsulat ng mga tulang Tagalog? Higit sa bibihirang pagkakataon (o sa Ingles, coincidence) ay hitik ito sa kontradiksiyon. At sa ganang akin, ang gayong kontradiksiyon ang pinagmumulan ng mga mainam na tula. 

Keihan line between Tambabashi and Fushimi-Momoyama
Last day in Kyoto, 27th of October, waiting for autumn
Visit to Osaka
Closing Ceremony of KWR (photo by Nicko Caluya)

The miracle of it all is that in the entire residency, I ended up writing poems solely about the Filipino identity and being Filipino. Is that not the definition of irony? I had to reside in Momoyama, get used to the JR and Kintetsu lines, obtain a Goshuin stamp at the Byōdō-in temple, reunite with my Filipino friends already working in the Kansai region, subsist on the pastries and rice meals of the konbini, and miss out on the eagerly awaited orange of autumn. But I guess that’s the sense of play one needs when writing. I moved past the blur of my alien eyes, and I saw the world anew. Four hours of flight separate Japan from the Philippines, but in the blink of a poem’s eye, they can appear together. We really do have more in common than we think. Our eyes, for instance. If we really care to look—and we actually do, whenever we’re blessed with the time—we catch a glimpse of our stories’ threads in a single weave, and that’s whether one begins in Pasig or ends up visiting Kyoto. 

Himala sa himala: naging paksa ng mga tulang naisulat ko sa kaiklia’t kahabaan ng residency ang pagiging Filipino. Hindi ba’t isang parikala iyon? Kinailangan kong manirahan sa Momoyama, masanay sa linyang JR at Kintetsu, magpatatak ng Goshuin sa templong Byōdō-in, makipagbalikang-loob sa mga kaibigang Filipino na nagtatrabaho na sa Kansai, mabuhay sa mga alay na tinapay at ulam ng konbini, at makasalisi ang inaabangan sanang kahel ng taglagas. Subalit ganoon nga siguro ang likot ng pagsusulat. Luminaw ang mga mata kong alien, nakita kong panibago ang mundo. Apat na oras na paglipad ang namamagitan sa Japan at Pilipinas, pero sa isang kisapmata ng pagtula ay tila ba nagbuklod sila. Mas marami talaga tayong pinagkatulad kaysa pinagkaiba. Maganda sigurong panimula ang ating mga mata. Kung talagang titingin tayo—at ganoon tayo, kapag nabibiyayaan ng sapat na orasmaaaninag natin ang pagkakatahi-tahi ng ating mga kuwento, mula pa man Pasig iyan at dumako man sa Kyoto.

More to Read on Suki

Sakura

A Fleeting Beauty words and photos by  Jane J. Panganiban It is quite well known that flowers have always played an important role in Japanese

Read More »